Walang Kuryent.. Brownout... walang kuryente
Dahil sa bagyo wala kaming kuryente nung Biyernes pa ng umaga. Walang heater at walang makain at mainom na mainit, maliban nalang kung bumili ako sa labas. May tubig pampaligo (hot and cold shower) kaya solb na ang problema ng pagkakaroon ng masangsang na amoy sa katawan. Hehehe
Nakakapagtaka kasi sa village nila lola puti, lima nalang ang bahay na walang kuryente at kasama kami dun sa lima. Yung housekeeper ni lola puti itinawag ang problema namin, akalain mo ba namang binagsakan lang daw sya sa telepono. Dumarami na talaga ang may topak. Hehehe.
Dalawang araw ding walang pasok sa trabaho. Di pala uso dito ang generator kaya andaming negosyo ang nalugi. Eh pano bukod sa walang kuryente, lahat ng nabuwal na puno nakaharang sa highway. Lahat ng tao sa bahay nalang pumirmi kahit malamig.
Sa kabilang banda, dahil powerless eh nakapag day off ako ng wala sa oras. Ayun si lola puti nasa bahay ng housekeeper. Dun nagpalipas ng gabi kasi may kuryente. Ako naman dumayo dito sa Mt. Vernon sa bahay ng kapatid ko para maki --
tulog
laba
internet/blog
at makikain na rin
Hehehehehe................
Bukas, balik trabaho na ule. Bukas, darating si Madir at dalawa kong kapatid galing Pinas....Wee panocha at Century Tuna ko. Hehehe.
*sa tingin ko, nagbabasa ng blog ko ang pyutur bosing ko... hala! kaya nga magta tagalog nalang nga ako eh. hehehe
10 Comments:
akala ko di pwedeng mangyari sa amerika ang browout, buti nalang may kapatid ka dyan na pwedeng tambayan sa ganitong panahon....
vemsan happy bday sau..belated. di ko lam nagbday ka pala e... wow, sarap naman nyan at kasama mo si madir at mga kapatids mo! ;) jan sila mag xmas din?
nawawalan din pala ng kuryente diyan? na experience ko rin kasi na nawalan kami ng kuryente sa dating apt namin...malakas ang ulan noon, kumidlat at parang may sumabog...building lang din namin ang walang kuryente non pero ilang oras lang naman...
naku! nag- i spy ba ang future boss mo? hehehe...
oi!belated Happy happy Birthday vemvem!!! xenxa na ngayon lang, naubos kasi internet load koh..
happy birthday ulit! at maligayang pasko!
oi!belated happy happy birthday vemvem!!! xenxa na ngayon lang naubos kasi ung internet load ko ngayon lang nakabili ulit.
Belated Happy Birthday ulit! at maligayang pasko!!!
kaya pala tagalog na tagalog ang post mo. grabe nga yung hangin ano. dito din nawalan ng kuryente. may namatay pa nga na couple kasi gumamit ng generator sa loob ng bahay.
day, belated hapi bertdey at tsaka meri krismas na rin...pengeng century tuna at bigyan kita ng chocnut...
Mula sa malamig at nag yeyelong buhangin ng arabia, binabati ka namin pati na ang iyong buong pamilya ng MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON. May the Lord continue to shower you his blessings.
Mula sa malamig at nag yeyelong buhangin ng arabia, binabati ka namin pati na ang iyong buong pamilya ng MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON. May the Lord continue to shower you his blessings.
may you have a blessed year ahead, my friend! happy new year! Labyu!
Post a Comment
<< Home